DA, nagsimula nang bahain ang merkado ng sibuyas; Presyo ng tingi nananatiling mataas

DA, nagsimula nang bahain ang merkado ng sibuyas; Presyo ng tingi nananatiling mataas

NAGSIMULA nang bahain ng Department of Agriculture (DA) ang mga pampublikong pamilihan ng sibuyas, ngunit nananatiling mataas ang tingi ng mga sibuyas.

Batay sa monitoring ng DA, tumaas ang retail prices ng sibuyas kung saan ang pinakamababa ay P240 kada kilo sa Mega Q-Mart sa Quezon City.

Sa Marikina Public Market sa Marikina City, aabot sa P350 kada kilo ang ibinebenta ng sibuyas.

Ang iba pang retail na presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila ay katulad ng Malabon Central Market sa Malabon City, P250 – P270 kada kilo, Muñoz Market sa Quezon City, P260 – P300 kada kilo, Commonwealth Market sa Quezon City, P260 – P280 kada kilo.

Samantala sa Pasig City Mega Market sa Pasig City, P240 – P300 kada kilo, Pasay City Market sa Pasay City, P250 – P270 kada kilo, Pritil Market sa Maynila, P250 kada kilo, Quinta Market sa Maynila, P280 – P300 kada kilo, San Andres Market sa Maynila, P280 – P290 kada kilo; Guadalupe Public Market sa Makati, P250 – P320 kada kilo, at New Las Piñas City Public Market sa Las Piñas City, P280 kada kilo.

Follow SMNI NEWS in Twitter