DA, nais mapunta sa mga sugar planter ang kikitain ng pagbebenta ng nakumpiskang asukal

DA, nais mapunta sa mga sugar planter ang kikitain ng pagbebenta ng nakumpiskang asukal

PLANO ng Department of Agriculture (DA) na mapunta sa mga sugar planter ang kikitain sa pagbebenta ng nakumpiskang asukal sa Kadiwa Store.

Patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang DA sa Sugar Regulatory Administration (SRA) kaugnay ng rekomendasyon na maibenta sa mga Kadiwa Stores ang 80,000 bags ng nakumpiskang asukal sa Batangas Port, kamakailan.

Ayon kay DA spokesperson Asec. Kristine Evangelista, magiging maingat sila sa desisyong ito at titiyaking pumasa sa food safety ang mga asukal at ligtas na makonsumo ng publiko.

At sakali namang matuloy ang bentahan ng mga nakumpiskang asukal, nais ni Evangelista na mapunta direkta rin sa mga sugar planter ang kikitain nito.

Punto pa ni Evangelista, matutulungan aniya ang mga sugar planter para makapagproduce ng mas malaking suplay ng asukal nang maibaba ang presyo nito sa mga pamilihan.

Batay sa monitoring ng DA, nasa P85 – P95 pa rin ang bentahan ng kada kilong asukal sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Maliban sa pagbebenta ng smuggled asukal, isinasapinal na rin ng SRA ang pag-aangkat ng higit 400,000 metriko toneladang asukal.

“Usually ‘yung 400 to 450 what will happen this will be scheduled ‘yung release nito sa market will be scheduled by SRA. This will do to cover ‘yung off milling time natin, when we start running out of sugar. What I understand the DA wants us to release part of it as soon as we can to temper the retail price kasi ‘yung imported is cheaper. What happens there kasi ‘yung local buyers natin and sellers of sugar, ‘yung traders they buy the local sugar for higher price and when you give them imported na cheaper mag-aaverage out and it will and it lowers the retail price,” ayon kay Pablo Azcona, Board Member, SRA.

Aminado ang SRA na bagamat mataas ang lebel ng lokal na produksyon ng asukal ay hindi pa rin nito kayang magsuplay lalo na sa local demand.

Pero, tiniyak naman ng DA na hindi maapektuhan ang mga sugar farmer sa pagbebenta ng smuggled na asukal at ang pag-aangkat ng asukal mula Thailand.

Umaasa ang SRA na sa oras maaprubahan ang pag-aangkat ng asukal ay maibebenta ito sa merkado nang abot-kaya lang ng mga mamimili.

“Im hoping na nasa, sana the imported they will sell around maximum of 80 pesos. So, that it can bring down refined prices without hurting naman the farmers,” dagdag nito.

“Sa ngayon, ‘yung plan is not yet final, it is in the draft stage we discussed it na with the DA and we are waiting further instructions from them,” aniya.

 

Follow SMNI News on Twitter