DA, nais na direktang makabili ng sibuyas mula sa magsasaka at hindi sa traders

DA, nais na direktang makabili ng sibuyas mula sa magsasaka at hindi sa traders

NAIS ng Department of Agriculture (DA) na direktang bumili ng sibuyas sa mga magsasaka imbis na sa traders.

Ayon kay DA Assistant Sec. Kristine Evangelista, ito’y para maibaba ang presyo ng sibuyas at mas magiging abot-kaya.

Sa ngayon ang sibuyas ay mabibili sa presyo na 280-300 pesos subalit sa Kadiwa stores ay maaari lang itong mabili ng 170 pesos.

Hinggil sa suplay, sinabi ni Evangelista na sasapat ito para sa buong buwan ng Disyembre.

Binigyang-diin ni Evangelista na sinusuri din nila ang inventory hinggil dito at tinitingnan kung sasapat ito hanggang Enero at Pebrero sa 2023.

Inaasahan namang magkakaroon ng ani ng sibuyas ngayong buwan.

Follow SMNI News on Twitter