DA, pinag-aaralan ang muling pag-aangkat ng sibuyas

DA, pinag-aaralan ang muling pag-aangkat ng sibuyas

IKINOKONSIDERA ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng pula at puting sibuyas ngayong darating na lean months.

Ito ay dahil sa inaasahang kakapusan ng mga sibuyas sa bansa ngayong taon.

Ayon kay DA spokesperson Asec. Kristine Evangelista, base sa imbentaryo ng Bureau of Plant Industry (BPI) ay tatagal na lamang ang suplay ng lokal na puting sibuyas sa Setyembre.

At inaasahan na hanggang sa buwan na lamang ng Nobyembre ang suplay ng lokal na pulang sibuyas sa buong Pilipinas.

Ito ay dahil sa pakonti-konti na lamang ang naani ng mga magsasaka dahil tapos na ang peak season simula noong Marso.

At naibenta na rin ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto sa mga pribadong kompanya.

Kung kaya, tumaas muli ang presyo ng sibuyas sa Metro Manila na maglalaro sa P180-P200 kada kilo.

Pero, isinasapinal pa ng DA ang importation plan upang hindi na maulit ang kontrobersiyal na P700 kada kilo ng sibuyas.

Tiniyak ng DA na masusi nila itong pag-aaralan at calibrated na upang hindi magkakaroon ng oversupply.

Wala pang pinal na desisyon ang DA kung ilang metriko tonelada ng pula at puting sibuyas ang sanitation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter