TARGET ng agriculture department na magpatupad ng maximum suggested retail price (MSRP) sa mga imported na bigas.
Nananatili pa rin daw kasing mahal ang bigas sa mga palengke sa National Capital Region (NCR) sa kabila ng ginawang hakbang ng Department of Agriculture – isa na riyan ang mababang taripa sa imported rice.
Ngayong 2025, naglalaro pa rin sa limampu hanggang animnapung piso ang presyo ng kada kilo nito.
Kaya, ang kagawaran planong magpatupad na ng maximum suggested retail price (MSRP) sa inaangkat na bigas na ibinebenta sa palengke.