SINUSPINDE ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay ng sanitary phyto-sanitary import clearances sa mga institutional buyer gaya ng hotels at restaurants para sa pag-angkat ng ilang uri ng isda.
Kabilang na ang roundscad at moonfish na ginagamit for canning.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, hinikayat nila ang mga institutional buyer na bumili na lamang ng isda mula sa aangkating 25,000 metric tons ng ahensya.
Ito ay upang maiwasan ang sobra-sobrang suplay na posibleng dahilan pa ng pagkasira ng mga isda.
Giit ni Estoperez, hakbang na rin ito ng DA upang maiwasan ang iligal na pagbebenta sa palengke.
Nilinaw niya na maaari pa ring umangkat ng isda ang mga importer at processor sa mga naturang isda bastat ang mga ito ay may license to operate.
Kailangan lang din linawin aniya kung saang processor o manufacturer ito mapupunta.