TARGET ng Department of Agriculture (DA) na maibaba ang presyo ng asukal sa P85 at magtakda ng suggested retail price (SRP).
Base sa latest price monitoring ng DA noong katapusan ng Marso, ang presyo ng refined sugar ay ibinibenta ng P86 hanggang P110 kada kilo habang ang presyo naman ng washed sugar ay mabibili sa halagang P80 hanggang P95 kada kilo.
Sa brown sugar naman, ang presyuhan nito ay nasa P80 hanggang P95 kada kilo.
Paliwanag pa ng DA official kapag sa oras na nagtakda aniya ng SRP ay nangangahulugan na dapat na matiyak na mayroon ding supplier ang mga retailer ng murang asukal.
Aminado naman ang DA official na malabo pa sa ngayon na maibaba ang retail price ng asukal sa dating presyuhan nito noong nakalipas na taon na P50 hanggang P55 kada kilo dahil tumaas ang halaga ng ginagastos para sa produksiyon nito.
Subalit tinitignan na rin aniya ng DA na maibaba kahit papano ang presyo ng asukal sa P85.