TEMPORARYO munang ipinagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapapasok ng imported live cattle at buffalo mula Japan.
Ang hakbang batay sa Memorandum Order No. 57 ng ahensiya ay para maprotektahan ang local industry mula sa lumpy skin disease.
Sa paliwanag, ang lumpy skin disease ay nagiging sanhi kung bakit bumababa ang milk production ng isang infected na hayop.
Ngunit sa ibang sitwasyon ay nagiging sanhi naman ito ng permanent sterility sa mga bull o toro.
Maaari din itong ikamatay ng isang infected na hayop.