DA, umaasang mabigyan na ng approval para sa commercial rollout ng ASF vaccines

DA, umaasang mabigyan na ng approval para sa commercial rollout ng ASF vaccines

UMAASANG mabigyan na ng approval para sa commercial rollout ng African Swine Fever (ASF) vaccines ang Department of Agriculture (DA).

Mas lalo pang bumaba ang bilang ng mga lugar sa bansa na apektado ng ASF.

Mula sa 66 na ASF-infected areas noong huling bahagi ng Pebrero ay nasa 39 na lang ito batay sa datos ng Bureau of Animal Industry hanggang noong Marso 14, 2025.

Dahil dito, umaasa ang DA na maaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) sa susunod na buwan ang commercial rollout ng mga bakuna laban sa ASF.

Ang mga bakuna na ito ay galing sa Vietnam at sinasabing epektibong gamitin laban sa ASF dahil karamihan sa mga baboy na nabakunahan nito ay nasa mabuting kalusugan.

Mula sa 160K na nabiling dosis ng ASF vaccines ay nasa 29K na ang naiturok sa mga baboy.

Kabilang na rito ang 10K na nakuha ng gobyerno sa pamamagitan ng emergency procurement.

Madalas naman ay galing sa mga bayan ng Lobo at Lipa sa Batangas maging sa Bulacan, Tarlac at Laguna ang naturukan ng bakuna.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble