DA, walang gagawing malakihang revamping sa NFA, BFAR

DA, walang gagawing malakihang revamping sa NFA, BFAR

WALANG mangyayaring revamping sa Department of Agriculture (DA) kahit pa sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang mga lider ng attached agencies nito na National Food Authority (NFA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., “isolated case” ang nangyari sa NFA at ang kinasasangkutan ng BFAR ay taong 2017 pa.

Sinabi pa ng kalihim, business as usual ang operasyon ng NFA at BFAR dahil mayroon namang itinalagang officer-in-charge para sa mga ito.

Matatandaang noong Marso ay sinuspinde si NFA Admin Roderico Bioco at iba pang mga opisyal dahil sa ulat na binibenta ng ahensiya ang kanilang rice buffer stocks.

Dahil naman sa “grave misconduct” kaugnay sa bidding ng kontrata para sa vessel monitoring systems ang isyu ng pagkakasuspinde ni BFAR Director Demosthenes Escoto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble