WALANG dahilan para taasan ang presyo ng bigas sa mga wet market sa kabila ng pinsalang natamo ng bansa sa tatlong magkakasunod na bagyo.
Ayon sa assistant Secretary for Consumer Affairs at DA spokesperson Kristine Evangelista wala silang inaasahan na anumang paggalaw sa presyo ng bigas ngayong fourth quarter base sa supply outlook.
Dagdag pa ni Evangelista, bahagi pa rin ng naunang imbentaryo ang supply ng bigas sa mga pamilihan bago ang pananalasa ng super typhoon “Karding,” tropical depression “Maymay” at tropical depression “Neneng.”
Samantala, umabot sa P-500.1 milyon ang pinsala ng tropical depression Maymay at tropical depression Neneng sa CAR, Ilocos Region, at Cagayan Valley.