HIGIT 500 boluntaryo, nakiisa sa pagtatanim ng mga punong narra sa Tampakan, South Cotabato bilang pakikiisa sa “One Tree, One Nation” Tree Planting Activity ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sa gitna ng patuloy na banta ng mga kalamidad at pagkasira ng kalikasan, isang pambansang inisyatibo ang sabayang inilunsad para masolusyunan ito.
Madaling araw pa lamang ay nagtipon-tipon na ang mahigit 500 boluntaryo sa Kolondatal Eco Park, Tampakan, South Cotabato para sa tree-planting activity na “One Tree, One Nation” ngayong araw ng Sabado, Nobyembre 16, 2024.
Bitbit ang mga punla ng puno ng narra, puting lawaan, at molave, nagtulungan ang mga boluntaryo mula sa iba’t ibang sektor kabilang ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), mga lokal na opisyal, at mga residente, upang maisakatuparan ang layuning mabawasan ang pagbaha at maprotektahan ang kalikasan.
Kasama sa mga nag-organisa at nakiisa sa aktibidad sina Tampakan Mayor Leonard T. Escobillo at MENRO – ENP. Eileen S. Estrada at MTRM – MENR Officer, na nagbigay ng suporta at gabay sa mga boluntaryo.
Para sa mga nakiisa, ang pagtatanim ng puno ay isang simpleng hakbang ngunit may malalim na kahulugan.
Hindi lamang ito isang aktibidad para sa kasalukuyan kundi isang pamana para sa mga susunod na henerasyon.
Ang puno ng narra, puting lawaan, at molave ang napiling mga punla dahil sa kanilang tibay at kakayahang magpatatag ng lupa, na makakatulong para maiwasan ang pagguho at pagbaha.
Ang proyektong ito ay bahagi ng malawakang inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy at ng Sonshine Philippines Movement (SPM) upang protektahan ang kalikasan at tugunan ang mga isyung dulot ng climate change.
Para naman sa mga nakiisa, ang pagtatanim ng puno ay isang simpleng hakbang ngunit may malalim na kahulugan.
Mula sa isang simpleng hakbang ng pagtatanim ng puno, nagiging instrumento ang bawat Pilipino sa mas malaking layunin—ang protektahan ang ating kalikasan at pamayanan.
Ang “One Tree, One Nation” Tree Planting Activity ay isang pagkilos na nagpapaalala na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pagtutulungan.
#OneTreeOneNation
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParasaDiyosatPilipinaskongMahal