PUPUNTA sa Pilipinas ang ilang Canadian exporters at innovators.
Sa pahayag ng Canadian Embassy, sa Disyembre 4-6, 2024 mananatili ang nasa 300 na delegado ng exporters at innovators sa bansa.
Pangungunahan sila ni Canadian Minister of Export Promotion, International Trade and Economic Development Honourable Mary Ng.
Sa isasagawa nilang trade mission sa bansa, inaasahang nasa 100 mga local business ang sasali rito.
Pangunahing tatalakayin dito ang tungkol sa agrikultura, processed foods, clean technologies, clean energy, green mining at nuclear, information and communication technologies at infrastructure.