DAAN-daang empleyado ng Twitter ang tinatayang aalis sa kumpanya matapos ang ultimatum na inilahad ng bago nitong owner na si Elon Musk.
Kamakailan ay sinabihan ni Musk ang kanyang mga empleyado kung nais ba nilang magpatuloy subalit magtatrabaho ng mahaba-habang oras o umalis na lang.
Batay sa tansya, 42% sa 180 mga empleyado nito ang mas ninanais na umalis na lang.
Ang nalalabing porsiyento ay hindi pa nakakapagdesisyon habang ang 7% dito ay sinasabing mananatili sila.
November 21, inaasahang ganap nang magsialisan ang mga empleyado.