BAGO pa matapos ang taong 2024, daan-daang estudyanteng Aeta sa Botolan, Zambales ang tumanggap ng school supplies at iba pang kagamitan mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
Umabot sa halos 800 Aeta learners ang nakatanggap ng PagbaBAGo bags na may kasamang school supplies, dental kits, at raincoat.
Ang mga nasabing beneficiaries ay mga mag-aaral mula sa iba’t ibang public schools ng Poonbato Integrated School, Burgos Integrated School, Villar Integrated School, Moraza Integrated School, at Belbel Integrated School.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng programa ng Office of the Vice President (OVP) na PagbaBAGo: A Million Learners Campaign na may layuning isulong ang kahalagahan ng edukasyon.
Patuloy ring hinihikayat ng OVP ang mga kabataang Pilipino na tapusin ang kanilang pag-aaral.