Daan-daang kabataan nakatanggap ng maagang pamasko mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Daan-daang kabataan nakatanggap ng maagang pamasko mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

DAAN- daang kabataan sa Davao City nagpahayag ng pasasalamat di lamang sa mga regalong natanggap nila ngayong kapaskuhan kundi sa malaking epekto at nagawa ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanilang buhay.

Sa panahon ngayon ilan sa mga kabataan ay nawiwili na sa mga modernong pamamaraan ng pamumuhay. Malaking epekto ang teknolohiya kabilang na ang computer at online games.

Kadalasan ito rin ang sanhi kung bakit ilan sa kanila ay nalalayo na sa normal na uri ng pamumuhay, ang iba ay nalilimutan na ang mga dating nakagawian at maging mapagpasalamat lalo na sa maliliit na bagay.

Pero taliwas ito sa mga batang bagama’t may mga magulang ay lumaki rin sa pangangalaga ni Pastor Apollo C. Quiboloy.  Ito ang mga kabataang kahit nasa modernong panahon na ay hindi pa rin nalilimutang magpasalamat kahit maging sa maliliit na bagay.

Kaya naman ngayong kapaskuhan at tulad ng na kagawian isang simpleng pagdiriwang ang ipinagkaloob ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanila.

Malapit sa puso ni Pastor Apollo ang mga kabataan noon pa naman kaya nga kung ating matatandaan ay ibinahagi niya ang kanyang kaarawan at ginawa itong adopted birthday ng milyong-milyong kabataan ibig sabihin hindi lamang tuwing Pasko kundi maging sa kanyang kaarawan ay nagbibigay kagalakan at pag-asa sa milyon-milyong kabataan sa lahat ng panig ng mundo si Pastor Apollo.

At bagama’t di man personal na nakasama ng mga bata si Pastor Apollo ngayong Pasko damang dama ng bawat isa ang kanyang pagmamahal at nagpapatuloy na kalinga sa kanila.

Ito ang ilan sa mga kwento ng mga kabataang dumalo sa engrandeng selebrasyon ipinagkaloob sa kanila ni Pastor Apollo sa Davao City.

Maaga pa lang ay nakagayak ng nagsidatingan ang mga bata. Lahat ay nananabik sa surpresang inihanda para sa kanila.

Sa pasimula pa lang ay di na mabilang ang mga tawanan at kasiyahan ng bawat bata na dumalo at lumahok sa iba’t ibang palaro na nakatanggap din ng samu’t saring pa premyo.

Naghandog din ng awit at sayaw ang mga kabataan bilang bahagi ng selebrasyon.

Hindi rin mawawala ang paborito nilang chicken and spaghetti at mga pagkain mula sa Waxi’s restaurant at speaking of Waxi’s dumalo din siya sa selebrasyon.

At mula nuon hanggang ngayon hindi nawawala ang pamamahagi ni Pastor Apollo sa mga bata na nangangailangan sa buong mundo at lalo na sa mga batang kaharian na bagama’t simple man para sa iba ang kanilang mga natanggap na regalo.

Hindi naman nito matutumbasan ng ano mang halaga ang ligayang taglay nito para sa kanila.

Sa kabila ng kanilang murang isipan alam at nararamdaman nila na may isang taong hindi sila nalilimutan at nag-alay ng walang kundisyong pagmamahal sa bawat isa sa kanila.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter