Daan-daang libong Pinoy skilled workers, posibleng ipadadala sa Saudi Arabia

Daan-daang libong Pinoy skilled workers, posibleng ipadadala sa Saudi Arabia

IKINOKONSIDERA ang deployment ng daan-daang libong Pinoy skilled workers sa Saudi Arabia.

Ito’y para magtrabaho ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Usec. Patricia Yvonne Caunan sa itatayong mega infrastructure projects sa nabanggit na middle eastern country.

Umaasa ang ahensiya na matatapos at maisasapinal ang mga pag-uusap hinggil dito sa pagitan ng Saudi Arabian government sa unang quarter ng taong 2024.

Binigyang-diin ng DMW na nais muna nilang matiyak ang kapakanan ng mga Pinoy worker na ipadadala sa Saudi Arabia kung kaya’t matagal-tagal ang naging proseso para sa naturang job opportunity.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble