Daan-daang Mexicans, pumila para sa libreng oxygen para sa COVID-19 patients

UMABOT sa daan-daang Mexicans ang pumila bitbit ang kani-kanilang oxygen tanks para sa free oxygen refill para sa COVID-19 patients sa isang tindahan sa Mexico City sa bansang Mexico.

Isinagawa ang libreng oxygen refill ng Mexico City government sa nakaraang New Year’s Day celebration para sa mga COVID-19 patients na nananatili lamang sa bahay.

Malaki ang demand ng oxygen dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 virus sa Mexico na nagdulot ito upang tumaas ang presyo nito ng dalawa hanggang tatlong beses.

Ayon sa residente ng nasabing lungsod, malaking bagay para sa kanila ang mabigyan ng libreng oxygen na makatitipid ng US$45 sa isang araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.