Daan-daang redheads sa buong mundo, nagtipon-tipon para sa taunang Redhead Days Festival sa Netherlands

Daan-daang redheads sa buong mundo, nagtipon-tipon para sa taunang Redhead Days Festival sa Netherlands

NAGTIPON-tipon ang daan-daang redheads sa buong mundo para sa isang tatlong araw na pagdiriwang ng Redhead Days sa Netherlands.

Ilan sa mga dumalo ay mula sa United Kingdom, Israel, Germany, Italy, at New Zealand.

Sinimulan ang taon-taong selebrasyon noon pang taong 2005 sa pangunguna ni Bart Rouwenhorst.

Samantala, taong 2013 nang makuha ng festival ang Guinness Book of World Records nang magtipon-tipon ang nasa 1,672 na mga taong may natural na pulang buhok na dumalo sa Redhead Days Festival.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble