Daan-daang residente sa Marikina, nakabenepisyo sa libreng Theoretical Driving Course ng LTO

Daan-daang residente sa Marikina, nakabenepisyo sa libreng Theoretical Driving Course ng LTO

AABOT sa kabuuang 389 na residente sa Marikina City ang nakinabang sa libreng Theoretical Driving Course (TDC) ng Land Transportation Office (LTO).

Kasunod ito sa isinagawang outreach program ng LTO sa ilalim ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ilan sa mga residente ang nakabenepisyo ay nagmula sa Brgy. Tañong, San Roque, Nangka at Fortune.

Bukod aa TDC, nag-alok din ang ahensiya ng pre-registration para sa driver’s license application.

Nauna nang inatasan ang lahat ng LTO Regional Directors at District Office Heads na magsagawa ng mas maraming libreng TDC programs bilang tulong sa mga Pilipino.

Gayundin na palawakin ang layunin ng Transportation Department at LTO na makabuo ng mas responsable at disiplinadong motorista sa buong bansa.

Ang TDC ay isa sa mga pangunahing requirements sa pagkuha ng lisensiya sa pagmamaneho.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter