Daan-daang trabaho, handog ng Mega Job Fair San Juan LGU

Daan-daang trabaho, handog ng Mega Job Fair San Juan LGU

DAANG-daang trabaho ang naghihintay para sa mga job seekers sa isinasagawang Mega Job Fair sa San Juan City ngayong araw.

60 kumpanya ang lumahok kung saan ang international job recruiters ay naghahanap ng mga nurse, domestic helper, hotel staff at skilled worker tulad ng welder, mason, karpentero at driver.

Ang mga lokal na kumpanya naman ay may job openings para sa mga call center agent, service crew, office at hotel staff, sales representative, promodizer, cashier, at waiter.

Katuwang dito ang Department of Labor and Employment, PhilHealth, Pag-IBIG, Social Security System, Department of Migrant Workers, Philippine Overseas Employment Administration at Overseas Workers Welfare Administration.

Required ang mga jobseekers na magdala ng at least 10 sets ng resumes para sa job hunt.

Hinihimok din sila na magdala ng kanilang school at employment credentials na irerequire ng kumpanya sa panahon na ang aplikante ay ma-hired on the spot.

Nagsimula ang job fair kaninang  8:00 ng umaga sa San Juan City Hall Open Parking.

Follow SMNI NEWS in Twitter