GUMAWA ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 830-meter concrete road sa San Ildefonso, Bulacan.
Ayon kay DPWH Sec. Manuel Bonoan, bilang suporta nila ito sa mga magsasaka sa San Ildefonso upang mas maging maayos ang kanilang pagbiyahe ng mga produkto mula sa kanilang sakahan papunta sa bagsakan.
Binabagtas ng concrete road ang mga tulad ng Barangay Pasong Bangkal at Casalat.
18.3 million pesos ang inilaan para dito sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.