DAAN-daang sasakyan kabilang na ang mga motorsiklo, trisikad at SUV nagsagawa ng noise barrage kasabay ang pagsigaw ng ” Duterte” bilang paraan ng panawagan ng mga Dabawenyo na ibalik na sa bansa si dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte.
Ito ay kaalinsabay ng prayer vigil na idinaraos sa Rizal Park sa Davao City ngayong araw, Huwebes, Marso 13, 2025.