KARAGDAGANG 24 na domestic at international flights ng Cebu Pacific ang kanselado ng hanggang Enero 23.
Ito’y dahil pa rin sa kakulangan ng kanilang mga frontline personnel na karamihan ay nagkakasakit at kasalukuyang naka-quarantine.
Sa inilabas na abiso ng Cebu Pacific biyaheng Manila patungong Caticlan, Cebu, Davao, Butuan, Iloilo, Roxas, Tacloban, Tuguegarao, Narita, Japan at Taipei ang mga nakanselang biyahe ng naturang airlines.
Hinihikayat ng naturang airlines ang mga pasahero na maapektuahan na maaari pa rin palawigin ang kanilang flexible options ng hanggang Enero 23, gamit ang manage booking portal ng Cebu Pacific website.
Maaari silang mag-rebook ng hanggang 60 na araw na walang anumang babayaran.
Pwede rin mag-refund pero ang proseso ay maaaring aabutin ng dalawang buwan at travel fund kung ilalagay dito ang halaga ng katumbas ng tiket sa virtual CEB na balido hanggang dalawang taon at maaaring gamitin ito sa bagong flight o pambayad sa baggage allowance at seat selection.
Samantala, ang Air Asia naman bumuo ng safety PMUs 24/team na binubuo ng iba’t ibang department leaders kung saan layunin nito na tutukan lamang ang kondisyon at kalusugan ng kanila mga tauhan.
Nagpapadala ang team ng medication at mga bitamina sa mga frontline personnel ng Air Asia na may nakakasalamuhang may COVID-19.
Nagsa-submit din ang mga team ng online daily health check form bilang monitor sa health condition ng kanilang empleyado bukod pa sa ginagawa nilang antigen test bago ang duty.