Dagdag assistance package para sa mga mangingisda sa WPS, inihahanda na ng BFAR ngayong 2024

Dagdag assistance package para sa mga mangingisda sa WPS, inihahanda na ng BFAR ngayong 2024

ILULUNSAD ngayong 2024 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang dagdag na livelihood packages at iba pang uri ng assistance para sa mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Layunin ng nasabing proyekto ang mapalawak pa ang livelihood opportunities at productivity ng nasa 373,700 Pilipinong mangingisda sa nabanggit na lugar.

Sa kanilang plano, tatanggap ang mga mangingisda ng P5-M na halaga ng postharvest/fishing equipment para magkaroon sila ng kakayahan na mapanatili ang kanilang huli at makapagsimulang mag-imbak ng pagkain.

Ang proyektong ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Agriculture Secretary Francisco Laurel, Jr. na hindi mapabayaan ang mga mangingisda sa WPS.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble