ASAHAN ang dagdag-bawas sa presyo ng langis ngayong linggo.
Sa pagtataya, tataas mula P1 hanggang P1.30 ang kada litro ng gasolina.
Habang sa diesel ay posibleng walang galaw o may 10 sentimos na roll back.
Bababa rin mula 20-50 sentimos ang kada litro ng kerosene.
Sa Martes naman maging epektibo ang nasabing galaw ng presyo sa gasolina, diesel at kerosene.
Asahan ngayong araw ang anunsiyo ng mga kompanya ng langis para sa kanilang pinal na price adjustment.