Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, asahan na bukas

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, asahan na bukas

MAGKAKAROON ng dagdag-bawas sa presyo ng ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis bukas, araw ng Martes.

Sa pagtataya, posibleng tataas ang kada litro ng gasolina mula P0.40 hanggang P0.60.

Habang may rollback ang kada litro ng diesel na mula P0.55 hanggang P0.75.

Hindi naman matiyak kung magkakaroon ng paggalaw ang presyo ng kada litro ng kerosene o bababa ito ng higit piso.

Asahan naman ngayong araw ang anunsiyo ng mga kompanya ng langis para sa kanilang pinal na price adjustment na ipatutupad bukas, Abril 2, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble