INAPRUBAHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang dalawang administrative order (AO) na layong bigyan ng dagdag-benepisyo ang lahat ng public social workers sa buong bansa.
Ayon kay Gatchalian, laman ng AO ang kautusan ng dagdag-bayad sa social workers na nagtatrabaho ng lagpas na sa kanilang working hours.
Kabilang din sa dagdag-benepisyo ang pagkakaloob ng hazard pay at clothing allowance sa mga ito.
Laman din ng AO ang pagkakaloob ng hazard-pay hindi lamang para sa social workers kundi sa lahat ng kawani ng DSWD tuwing panahon ng kalamidad o emergency.
‘’Ito’y matagal nang minimithi ng ating mga workers at dagdag benepisyo yon,’’ saad ni Gatchalian.
Pinasalamatan naman ni Gatchalian si dating DSWD Sec. Erwin Tulfo na siyang nagtulak sa inisyatibang ito na tiyak ikagagalak ng mga empleyado ng ahensiya.