Dagdag Immigration counter sa NAIA T3, matatapos bago ang Marso—MIAA

Dagdag Immigration counter sa NAIA T3, matatapos bago ang Marso—MIAA

KINUMPIRMA ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines na pansamantala munang inihinto ang konstruksiyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.

Dahil dito, ang planong paglilipat ng ilang airlines sa naturang terminal ay pansamantalang nasuspinde.

Matatandaan na noong nakaraang taon, sinabi ng New NAIA Infra Corporation (NNIC) na nagsimula ang mga pagsasaayos sa Terminal 4 noong Nobyembre 6, 2024.

Plano nilang ilipat ang AirAsia Philippines mula sa Terminal 2 sa Terminal 4 kung matatapos na ang rehabilitasyon.

“Maraming dahilan, unang-una sa lahat, ang nakikita kasi, di ba nagbabaha diyan?”

“’Yung AirAsia domestic na dapat sa T4, diyan muna sa Terminal 2. Tapos diyan din muna ngayon ang mga dating nasa T4 gaya ng Sunlight, ‘yung CebGo, Asian Spirit, diyan muna lahat sa T2. Tatambak muna ang mga domestic diyan,” pahayag ni Eric Ines, General Manager, Manila International Airport Authority.

Wala ring katiyakan kung kailan maipatutupad ang bagong terminal assignment ng mga airlines mula NAIA Terminal 1 maliban sa Philippine Airlines.

Sinabi rin ng opisyal na nakatuon na rin ang MIAA sa kanilang proyekto na pagdagdag ng Immigration counter sa NAIA Terminal 3, na nasa bandang likuran ng OFW lounge.

Kasabay sa proyektong ito ang pagpapalit ng puwesto ng Immigration counter at final security checkpoint sa NAIA Terminal 3.

“Na nakaplano ‘yan, even before na dumating ang privatization, nakaplano na ‘yan na proyekto ng MIAA. So ang gusto ng NNIC, tapusin na namin,” ani Ines.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble