Dagdag-insentibo para sa mga barangay tanod, isinusulong

Dagdag-insentibo para sa mga barangay tanod, isinusulong

ISINUSULONG ngayon sa Kamara na bigyan ng Christmas bonus at iba pang insentibo ang mga barangay tanod.

Sa House Bill No. 10909, hinihiling nitong mabigyan ng insurance coverage at libreng legal assistance ang mga tanod.

Ito ay bilang pagkilala sa serbisyong ipinamamalas ng mga tanod sa kani-kanilang mga barangay para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan.

Dapat ding mabigyang prayoridad ang mga ito sa livelihood program ng pamahalaan, mapa-national man o lokal.

Kung magiging batas ang nasabing panukala ay magkakaroon din ng tenure ang mga barangay tanod at ang sangguniang barangay ang magdedesisyon para dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble