Dagdag P20 na singil sa mga pasahero ng pantalan sa Matnog, Sorsogon, ipinatitigil

Dagdag P20 na singil sa mga pasahero ng pantalan sa Matnog, Sorsogon, ipinatitigil

IPINAHIHINTO na ng Sangguniang Panlalawigan ng Sorsogon ang mga pangongolekta sa mga pasahero ng Php20.

Ito ay bilang tugon sa mga nauna nang panawagan ng Philippine Ports Authority (PPA) na imbestigasyon bunsod ng mga reklamo at sumbong ukol sa karagdagang Php20 na singil sa mga pasahero ng pantalan sa Matnog.

Ayon sa PMO Bicol, matapos ang mga sumbong ay agad nila itong ipinagbigay-alam sa provincial marshals, PNP, PCG, Philippine Army at sa lokal na pamahalaan ng Sorsogon.

Mula dito, nagkaroon ng joint committee hearing ang Sangguniang Panlalawigan kasama ang mga nabanggit at nagresulta sa pagpapalabas ng resolusyon na nanghihikayat sa lokal na gobyerno ng Matnog na ipahinto ang naturang pangongolekta mula sa sinumang mapatutunayang naniningil ng nasabing halaga.

Follow SMNI NEWS in Twitter