Dagdag power supply, sinigurado ng DOE ngayong tag-init; Pagkakaroon ng power shortage, hindi inaasahan

Dagdag power supply, sinigurado ng DOE ngayong tag-init; Pagkakaroon ng power shortage, hindi inaasahan

KARAGDAGANG power supply source ngayong tag-init ang ilang renewable power plants na madalas matatagpuan sa Luzon.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Asec. Mario Marasigan, ang mga ito ay coal, solar, biomass, at hydropower plants.

May pinagsamang energy capacity na 300 megawatts ang tinutukoy na mga planta.

Dahil dito, wala silang inaasahang power shortage lalo na’t hindi pa narating ang projected peak demand para sa 2024.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter