Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayon

Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayon

MULING magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis, simula ngayong Martes, Disyembre 17, 2024.

Sa abiso ng Shell Pilipinas, Seaoil, at Caltex, tataas ng 80 sentimos ang kada litro ng gasolina at diesel.

Habang may 10 sentimos na dagdag-presyo sa kerosene.

May kaparehong taas-presyo naman sa gasolina at diesel ang Cleanfuel, Petro Gazz, at iba pang kompanya ng langis.

Epektibo ang naturang oil price adjustment, alas-sais ng umaga maliban sa Cleanfuel na alas-kwatro uno mamayang hapon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble