Dagdag-singil sa kuryente sa 2025, aasahan

Dagdag-singil sa kuryente sa 2025, aasahan

MAGKAKAROON ng dagdag-singil sa kuryente ngayong Enero 2025.

Itoy matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagkolekta ng 70 percent na gastos sa ancillary services o reserbang kuryente na kinontrata ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) noong Pebrero 2024.

Sa paliwanag ng ERC, sisingilin sa consumers ang mahigit 3 billion pesos para rito.

Paghahatian ito ng consumers at babayaran sa loob ng tatlong buwan para sa Luzon at Mindanao habang anim na buwan sa Visayas.

Katumbas ito ng P0.12/kwh na dagdag-singil sa Luzon at Visayas habang P0.03/kwh sa Mindanao.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble