EPEKTIBO na ngayong araw ng Martes, Oktubre 1 ang panibagong dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo.
Ang presyo ng diesel ay nasa P0.90 kada litro ang price increase.
P0.45 naman sa kada litro ng gasolina habang P0.30 sa kerosene.
Epektibo alas sais ng umaga ang naturang price adjustments sa Petron, Unioil, PTT Philippines, Flying V, Seaoil, Petro Gazz, Jetti, Shell at Caltex.
Sa Cleanfuel, epektibo ang price adjustment mamayang 4:01 ng hapon.