Dagdag-singil sa petrolyo, nakaamba ngayong linggo

Dagdag-singil sa petrolyo, nakaamba ngayong linggo

ASAHAN na ang panibagong dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtataya, ang presyo ng diesel ay maaaring madagdagan ng mula P0.70 hanggang P0.90 kada litro.

Habang mula P0.30 hanggang P0.50 ang madagdag sa kada litro ng gasolina at kerosene.

Mag-aanunsiyo naman ngayong araw ng pinal na price adjustment ang mga kompanya ng langis.

Samantala, tataas din ng mula dalawa hanggang tatlong piso kada kilo ang liquified petroleum gas na magiging epektibo sa unang araw ng Oktubre.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble