DAHIL sa todo-bukas na muli sa mga turista ang Chocolate Hills, naniniwala ang munisipalidad ng Carmen sa Bohol na naabot na ang 100% pre-pandemic level.
Tinatayang nasa 1,500 – 4,000 na mga bumibista sa Chocolate Hills sa Bohol bawat araw.
Hindi matatawaran ang pambihirang kagandahan ng Chocolate Hills sa Bohol.
Kaya naman ang pamosong atraksyon na ito ang nasa pangunahing destinasyon ng mga turista sa probinsya ng Bohol.
Dinarayo rin ang Chocolate Hills dahil sa mayroon itong kasing dami ng 1,776 na burol na pumapalibot sa isla.
Ayon kay Mayor Che Che de Los Reyes, marami pa silang planong gawin sa Chocolate Hills para lalong gumanda ang mga pasilidad sa lugar.
Sa ngayon aniya pinag-aaralan pa nila ang target na bilang mga turistang bibisita sa Chocolate Hills, marami nang nabago sa pasilidad at marami pa silang babaguhin.
Samantala patuloy na hinihikayat ng alkalde ang mga turista na bisitahin ang Bohol kung saan naroon ang pamosong Chocolate Hills.
Tumaas na ang entrance fee ng Chocolate Hills, kung dati rati ay nasa P50 lamang ngayon ay nasa P100 na bawat tao.