Dahan-dahan na pag-phaseout, imumungkahi ng PAOCC para sa POGO operations sa bansa

Dahan-dahan na pag-phaseout, imumungkahi ng PAOCC para sa POGO operations sa bansa

DAHAN-dahan na pag-phaseout ang posibleng imungkahi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa mga operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Bilang tugon aniya ito sa mga panawagang ipagbawal na ang operasyon nila sa bansa dahil sa pagkakasangkot sa mga iligal na aktibidad.

Kasabay nito ay ibinahagi ng PAOCC NA nasa 42 lang ang legal operations ng POGO sa Pilipinas.

Halos 300 (298) naman ang mga POGO license na kinasela dahil sa illegal operations.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble