Dahilan ng paglihis sa runway ng eroplano ng CebPac, patuloy pang inaalam

Dahilan ng paglihis sa runway ng eroplano ng CebPac, patuloy pang inaalam

NAGPAPATULOY pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring aberya sa eroplano ng Cebu Pacific.

Ayon kay Eric Apolonio ang tagapagsalita ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) maraming posibleng dahilan ng excursion ng eroplano ng Cebu Pacific (CebPac) sa runway 06-24.

Maaari aniyang dahil ito sa panahon, human error, ang mismong eroplano at iba pa.

“Unang-una may sarili silang safety officer, made-determine nila kung ano yaong naging  problema tapos yung  resulta ng aming imbestigador isu-submit namin yun para ma-access kung ano talaga yung dahilan,”pahayag ni Apolonio.

Kinumpirma naman nito na balik sa normal na ang  operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) a

Matatandaang kahapon, ilang international at domestic flights ang naantala ang paglapag sa NAIA Complex matapos ang nangyaring aberya sa eroplano ng Cebu Pacific Flight DG-6112 mula Naga  kahapon ng 11:33 ng  tanghali.

Ligtas namang nakababa ang 42 pasahero at apat na crew nito.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) dahil sa insidente, pansamantala munang isinara ang main runway 06-24 ng NAIA habang nakaharang pa ang eroplano ng Cebu Pacific .

Ala 1:05 nang  naalis ang eroplano sa naturang runway at ala 1:35 na muling nagbukas ang runway 06-24 para sa operasyon.

Follow SMNI News on Twitter