Daily COVID-19 cases sa bansa, 5 araw nang hindi umaabot sa 500

Daily COVID-19 cases sa bansa, 5 araw nang hindi umaabot sa 500

NAKAPAGTALA lamang ng mahigit 300 kaso ng COVID-19 ang bansa, kahapon araw ng Huwebes base sa report ng Department of Health (DOH).

Ito na ang pang limang araw na hindi umaabot sa 500 ang daily cases ng COVID-19.

Ang active cases, pumalo sa 12, 006.

Sa kabuuan, 4,069,147 na ang kaso ng COVID- 19 sa Pilipinas.

3, 991,615 ang nakarecover sa sakit.

Sa kabuuang kaso, 65, 526 ang namatay.

Ang National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming naitalang kaso sa loob ng 14 na araw na nasa 1,819, sumunod ang Region IV A (Calabarzon) na nakapagtala nang 903 cases sa loob ng 2 linggo.

Sunod sa Calabarzon ay ang Central Luzon, Western Visayas at Cagayan Valley.

Follow SMNI NEWS in Twitter