Daily target ng DOH para sa kampanya sa booster shot, tinaasan

Daily target ng DOH para sa kampanya sa booster shot, tinaasan

TINAASAN na ng Department of Health (DOH) ang kanilang target para sa mga indibidwal na kailangang mabakunahan ng booster shot para mahabol ang 23M na target na mabakunahan sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong “Marcos, Jr.

Ayon sa DOH, nasa 443,892 indibidwal ang kailangang mabakunahan ng booster shot kada araw sa ilalim ng kanilang PinasLakas Campaign.

Ito ay matapos bigo ang ahensiya na mabakunahan ang nasa 397,000 na indibidwal kada araw bilang kanilang unang target.

Sa unang linggo kasi ng kampanya ay nasa 384, 000 pa lang na mga nasa eligible population ang nabakunahan.

“So ngayong inadjust na po natin ang targets natin for senior citizens so that we will reach 1-M plus by October 8. Kailangan na natin magbakuna ng 20,774 senior citizens per day hanggang sa makatapos sa October 8 at kailangan na nating magbakuna ng first booster shots ng 443,892 per day hanggang sa October 8,” pahayag ni DOH OIC Dr. Maria Rosario Vergeire.

Matatandaan na inilunsad ang PinasLakas Campaign para mapataas sa 50 percent ang booster coverage ng bansa sa loob ng 100 araw ni Pangulong Marcos.

Inihayag naman ni Vergerie na umakyat na sa mahigit 15,000 ang kanilang vaccination sites sa pagpapaigting ng kanilang PinasLakas Campaign.

Ito ay nailagay sa mga komunidad, palengke, simbahan at public transport.

Meron ding mobile vaccination ang DOH para sa kampanya ng booster habang ang iba ay inilagay sa mga pabrika, barangay health centers, at mga basketball court.

“We have 335 vaccination sites in different markets across the country, we have 2,814 vaccination sites in schools, 1,458 in work places, 281 in transport terminals, 529 in places of worship. We also have mobile vaccination sites. We have 5,484 mobile vaccination sites. We have already included and integrated vaccination sites in our health care centers. So, doon po sa mga ibang local government nandoon na po talaga sa mga health center nila ang mga bakunahan natin,” dagdag ni Vergeire.

Sinabi naman ni Vergeire na ang 19,000 na kaso ng COVID-19 kada araw sa huling linggo ng Agosto ay posible kung magre-relax ang tao sa pagsunod sa minimum health standard.

BASAHIN: 23-M eligible individuals, target na maturukan ng first booster shot sa 1st 100 days ni PBBM

Follow SMNI News on Twitter