Daily tourist arrivals sa Boracay, pumalo na sa 7,000

Daily tourist arrivals sa Boracay, pumalo na sa 7,000

LUMAMPAS na sa 7,000 ang daily tourist arrivals sa Boracay Island ngayong pinaluwag na ang restriksyon sa bansa laban sa COVID-19.

Ayon kay Aklan Police Chief Police Lieutenant Colonel Don Dicksie De Dios, nasa 5,000 ang average daily tourists sa Boracay kung saan karamihan sa mga bisita ay local tourist.

Bumubuhos aniya ang tourist arrivals sa isla tuwing papalapit na ang weekend.

Sinabi ni De Dios na inaasahan ang pagdating ng mga dayuhang turista ngayong buwan matapos payagan na ng bansa ang pagpasok ng mga vaccinated foreign national.

Dahil dito, naghahanda na aniya ang Kalibo International Airport at Caticlan Airport officials sa inaasahang pagtaas ng arrivals ng mga dayuhang turista.

Sinabi ni De Dios na nasa 80 percent ng business establishment sa Boracay ang operational na gayunman hindi pa rin pinapayagan ang mga contact sports.

Follow SMNI NEWS in Twitter