Daily wage earners at urban poor, prayoridad sa ayuda mula sa pamahalaan

PRAYORIDAD ng pamahalaan ang pamimigay ng ayuda para sa mga mahihirap.

Ito ang binigyang-diin ni Presidential Peace Adviser at COVID-19 Response CZAR Carlito Galvez Jr. sa panayam ng Sonshine Radio.

Nilinaw nito na ang inilaan na pondo ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) ay para lang sa mga taong lubos na nangangailangan.

 “Nag-allocate po ang ating DOLE, ang ating DSWD, at ang ating mahal na DBM Secretary, DOH, para po talaga yung sa mga mahihirap. alam naman po natin na ang mga nakatira sa mga subdivision may mga kaya. Dapat ang mga maykaya, dapat magbigay sila sa mga nangangailangan.”

—– Sec. Carlito Galvez Jr., COVID-19 Response Czar

Ani Galvez, dapat unawain ng mga ito ang naging hakbang ng pamahalaan dahil nakaka-afford naman ang iba na sustentuhan ang kanilang pamilya kung ikukumpara sa mga urban poor at daily wage earners na siyang mga beneficiaries ng ayuda ng pamahalaan.

Samantala, manghihingi naman sila ng profile ng mga residente sa bawat lugar para mas ma-assess ang sitwasyon ng mga ito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.