Dalawa pang PBA player, nadagdag sa roster ng 24-man preliminary pool ng Gilas Pilipinas

Dalawa pang PBA player, nadagdag sa roster ng 24-man preliminary pool ng Gilas Pilipinas

NADAGDAGAN pa ng dalawang manlalaro mula sa Magnolia para sa training pool ng 24-man preliminary pool ng Gilas Pilipinas.

Nakatakdang makilahok ang Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Agosto 25.

Ang dalawang manlalarong nadagdag sa training pool ay sina Ian Sangalang at Jio Jalalon at isasalang ang mga ito sa training ng Gilas Pilipinas ngayong araw ayon mismo sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Makahaharap ng Gilas Pilipinas ang Lebanon sa Agosto 26 at susundan ito ng Saudi Arabia sa Agosto 29.

Follow SMNI NEWS in Twitter