Dalawa pang sovereign markers, itinayo sa mga isla ng Cagayan

NAGTAYO ng dalawa pang sovereign markers ang Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Mabaag at Barit islands sa Aparri, Cagayan.

Ang dalawang bagong tayong sovereign markers ay karagdagan sa 11 sovereign markers na itinayo noong nakaraang taon sa 11 uninhabited islands sa hilagang bahagi ng Cagayan Province sa loob ng Babuyan Channel.

Sinabi ni NolCom Commander Lieutenant General Arnulfo Burgos Jr. na ang hakbang ay upang igiit ang sovereignty ng bansa sa northern maritime territory.

Tiniyak din ni Burgos na nananatili silang proactive at mapagbantay sa pagsisiguro sa kaligtasan ng mga tao gaya ng pangangalaga nila sa sovereignty at pagpapanatili sa integridad ng national territory sa bahaging ito ng bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *