2 kaso ng P.3 COVID-19 variant na unang natagpuan sa Pilipinas, nadiskubre sa England

NATAGPUAN sa England ang dalawang kaso ng COVID-19 variant na unang nadiskubre sa Pilipinas, ang tinatawag na P.3 variant.

“One of the cases is linked with international travel and the other is currently under investigation,” ayon sa Public Health England (PHE).

Kasalukuyang iniimbestigahan ng PHE ang nasabing bagong variant na nagtataglay ng “notable mutations including E484K at N501Y, which are found in several other variants of concern.”

Sa ngayon ay nasa 98 confirmed cases na ang Pilipinas sa P.3 variant.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, ang P.3 ay hindi maikonsiderang “variant of concern” at kasalukuyan pa itong iniimbestigahan.

Una nang nadiskubre ang UK variant, South African variant, at Brazil variant na kinukonsiderang “variant of concern.”

Ayon naman kay Dr. Anna Ong-Lim, miyembro ng DOH Technical Advisory Group, kanilang isinumite ang nasabing impormasyon sa Phylogenetic Assignment of Named Global Outbreak Lineages (PANGOLIN).

“We were waiting for them (PANGOLIN) to let us know kung ito nga ba ay unique to the Philippine or natuklasan na sa ibang bansa,”ayon kay Lim.

“They’ve come back to us and told us na ito nga ay bagong variant,” dagdag niya.

Aniya, kailangan pa ng karagdagang data kung ang P.3 variant ay mas nakahahawa o nakapagbibigay ng mas malalang sakit at panganib ng pagkasawi.

Sinabi ni Lim, hindi dapat tawagin itong “Philipine variant”  kungsaan ay nakasanayan na ang paggamit ng pangalan ng bansa para itukoy ang mga variant na aniya ay kailangang matigil dahil nagbunsod ito ng diskriminasyon.

(BASAHIN: Unang P.1 variant, natagpuan sa isang Pinoy mula sa Brazil)

SMNI NEWS