KINUKUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) ang diumano’y pagkakasangkot ng dalawang opisyal nito sa pagpuslit ng iligal na droga.
Ayon sa impormasyon, nagpuslit ang dalawang pulis na parehong miyembro ng PNP Drug Enforcement Group ng aabot sa 42 kilos na shabu mula sa nakumpiskang 990 kilos na iligal na droga sa Maynila kamakailan lang.
Gagamitin diumano ang mga ito bilang ebidensiya pero lumalabas umano na plano itong i-recycle.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr., agad nitong titingnan ang involvement ng mga pulis na ito para kaharapin ang karampatang parusa.
Ayon sa heneral, sisikapin nitong tanggalin sa imahe ng kanilang hanay ang isyu ng recycling sa iligal na droga na kadalasay kinsasangkutan ng mga kapulisan.
“As a matter of fact ongoing ang investigation natin doon. Sabi ko nga lahat ng involve dyan lahat ng mahahagip sa investigation natin hahagipin natin para matapos na yung issue about ‘yung recycling, mga pulis na involve sa droga na I would encourage ang ating kapulisan na itigil niyo na itong ganitong praktis kasi that’s not give the organization a good image,” pahayag ni Azurin.
Matatandaang, nauna nang natimbog si Master Sergeant Rodolfo Mayo, Jr. na miyembro din ng PNP Drug Enforcement Group mula sa isang buy-bust operations sa Maynila pero bumungad sa mga operatiba ang mas malaki pang bulto ng iligal na droga sa opisinang pagmamay-ari nito.
Nagkakahalaga ito ng P6.7 bilyon na tinaguriang pinakamalaking anti-illegal drugs accomplishment ng Marcos administration.
Sa kabilang banda, kinumpirma naman ni General Azurin na mayroong isang floating general status ng PNP na kanilang iniimbestigahan ay nasasangkot sa transaksiyon ng iligal na droga sa bansa.
“Floating?..’yun ang ano…yun ang sinasabi ng…bale floating sila ngayon kaya ang sabi, this is unfair also to them that their names are being mentioned in the media na wala pa namang sabihin natin na mga ebidenisya na nagtuturo sa kanila,” ayon kay Azurin.
Sa huli, nanindigan pa rin ang PNP na magiging maingat sila sa imbestigasyon upang hindi madungisan ang kredibilidad ng nasabing heneral sakaling hindi totoo ang alegasyon laban dito.
“Again on going yung investigation, we have been mentioning…any names because gusto natin na maging maayos ang imbesgtigasyon natin dito we do not just accused anybody kasi these officers also have career pinaghirapan nila ‘yung career nila that’s why very careful kami na nagmi-mention …I really don’t know or understand bakit may mga lumalabas na mga pangalan na sa PNP wala pa naman hindi pa naming nari-reach ‘yung point na yun. So I don’t know the motive kung sino yung naglalabas nun, definitely sabi ko nga lahat ng mababanggit will be subject for investigation,” diin ni Azurin.