DALAWANG panukalang batas ang dapat matutukan ng Kongreso matapos ang kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Alfred Delos Santos, kailangang matutukan ang pag-usad ng Forensic Pathology Scholarships Bill para sa pagdami pang lalo ng mga forensic pathologist sa Pilipinas.
Pati na ang Media Workers Protection Bill na magbibigay proteksyon at security of tenure para sa mga manggagawa sa media industry.
Sa ngayon, pawang pending ang dalawang proposal sa committee level at umaasa si Congressman Delos Santos ng Ang Probinsyano Party-list na uusad ito ngayon dahil sa Percy Lapid case.
“I will also be communicating soon to the Commission on Higher Education our thoughts on updating the college curriculum of those courses that have relevance to preventing, analyzing, and solving crimes,” saad ng mambabatas.
Pinasalamatan naman ng kongresista ang PNP sa maagap na tugon sa kaso ni Lapid.