HINDI sang-ayon ang dalawang senador sa naka-ambang pagtaas ng singil sa toll sa North Luzon Expressway (NLEX) at nanawagan pa ang mga ito sa operator na ayusin muna ang lumalalang traffic condition sa NLEX.
Sa magkahiwalay na pahayag, parehong ipinanawagan nila Senator Aquilino Pimentel III at Grace Poe.
Sen. Grace Poe on toll rate hike sa Toll Regulatory Board (TRB) na ipagpaliban muna ang mabilis nitong pag-apruba sa toll hikes.
Ayon kay Poe na siya ring Chair of the Senate Committee on Public Services, nagbabayad ang publiko ng toll para sa mas mabilis na biyahe at dapat i-akma nito ang taas ng singil sa serbisyong ibinibigay nito sa mga dumadaan sa NLEX.
Sinabi naman ni Pimentel na hindi tama ang pagtaas sa singil sa expressway sa mga motorista sa kalagitnaan ng lumalalalang kondisyon ng trapiko sa expressway at tumataas na inflation rate.
Ito ang naging pahayag ng mga senador matapos na ianunsyo ng Metro Pacific Investment Corp. na inaprubahan ng TRB ang panukalang taasan ang singil para sa 101.8-kilometer stretch ng NLEX na nagmumula mula Balintawak Interchange sa Quezon City hanggang Sta. Ines Exit Mabalacat City, Pampanga.