Dalawang suicide bombers sa nangyaring twin bombing sa Jolo, Sulu, nakilala na

Dalawang suicide bombers sa nangyaring twin bombing sa Jolo, Sulu, nakilala na

NAKILALA na ng militar ang dalawang babaeng suicide bombers na umano’y responsable sa magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu noong Lunes.

Ayon kay Philippine Army Chief Lieutenant General Cirilito Sobejana, binigyan muna nila ng alyas ang mga ito habang gumugulong pa ang imbestigasyon sa insidente.

Kinilala ni Sobejana ang isa sa suicide bomber na si Nanah mula Basilan at asawa ng kauna-unahang Pilipinong suicide bomber na si Norman Lasuca.

Ang pangalawa aniya ay si Inda nay mula Sulu at Tawi-Tawi na asawa naman ng nasawing si Abu Talha.

Sinabi ni Sobejana na ang dalawang suicide bombers na babae ang tinutugis ng grupo ni Major Marvin Indammog noong araw na pagbabarilin sila ng mga pulis sa Jolo, Sulu noong Hunyo 29.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.